Wednesday, August 22, 2012

GMA Network: 'Bona' sa kontemporaryong panahon, matutunghayan na sa entablado

 
August 19, 2012 9:11pm
 Original Article can be found HERE


Gaganap si Domingo bilang Bona, isang call center agent at breadwinner ng pamilya, na naging tagahanga ng talent search contestant na si Gino Sanchez, na gagampanan ni Edgar Allan Guzman. Sa kalaunan, mas lumalim ang pagkahumaling ni Bona kay Gino, kung saan kanyang tinalikuran ang lahat, kabilang na ang pagkakaroon ng maginhawang buhay, mapasaya lamang ang kanyang idolo.

"I felt that the theme of being a fan is something that is very important to interrogate now," ani PETA Artistic Director Maribel Legarda nang tanungin kung bakit ang pelikulang Bona ang naisipang itampok sa pagbubukas ng ika-45 season ng PETA.

Pagiging fan noon at fan ngayon

Ayon kay Legarda, magkakaroon ng ilang pagbabago mula sa orihinal na pelikula upang maipakita ang pagkakaiba sa pagiging fan noon sa pagiging fan sa kontemporaryong panahon. "Ang fan noon in the 70's at ang fan ngayon ay napakaiba," kwento niya.

Sa pag-unlad ng teknolohiya sa kontemporaryong panahon, mas nabibigyang kakayahan ang lipunan upang ihayag ang kanilang paghanga sa kani-kanilang idolo.

Ayon kay Legarda, ngayong mayroon nang internet, maaari nang gamitin ang mga social networking site upang mapadali ang pakikipag-ugnayan ng mga mamamayan sa mga artista.

'Yung character ni Bona, adept siya sa mga ganitong sitwasyon. Alam niya 'yung Facebook, alam niya 'yung Twitter, alam niya 'yung Friendster...," ani Director Soxie Topacio.


Ang fan ngayon: Si Domingo bilang Bona.Photo courtesy of PETA.


Maliban nito, maaari ring maturo ang midya bilang isa sa mga salik sa pagkakaiba ng mga fan noon sa mga fan ngayon, ayon kay Legarda. Naiimpluwensya ng midya ang pag-iisip ng lipunan.

More pathetic?

Ayon kay Bucoy, kung ikukumpara sa orihinal na karakter na Bona, "kaya niyang tumayo sa sarili niyang paa."

Sa orihinal na pelikula, na idinirekta ni Lino Brocka at isinulat ni Cenen Ramones, ginampanan ni Nora Aunor si Bona, ang mag-aaral na "die-hard fan" ng aktor na si Gardo, na ginampanan naman ni Philip Salvador. Bilang mag-aaral, umaasa lamang si Bona sa kanyang magulang kaya nang iwan niya mga ito upang makasama si Gardo, tinalikuran niya ang pagkakaroon ng maginhawang buhay at wala nang naiwan sa kanya.

"The character I'm portraying, as Bona of today, became more pathetic. Hindi naman siya tanga, hindi naman siya nagdarahok, anong nangyari?" ani Domingo.

Paliwanag naman ni Bucoy, "Maaari 'yung mentalidad na pagiging fan, hindi naman siya dinidiktahan na kung ano 'yung estadong pang-ekonomiya sa buhay, kung hindi, mayroong mga salik na umiikot o nag-iimpluwensya doon sa isang tao, o factors na nag-iimpluwensya o nagtutulak sa atin para mapunta tayo sa isang katayuan o etstado, na hindi tayo nabubuhay na mag-isa lang."

'Iconic scenes'

Samantala, ipinapangako naman ni Topacio na lalabas ang mga pangunahing eksena ng orihinal na pelikula sa adaptasyon, ngunit ilalagay ito sa kontemporaryong sitwasyon upang magkaroon ng relasyon sa mga tagapanuod ngayon. "We choose iconic scenes na makikita mo sa pelikula at dito sa dula... but then, nilawakan namin," aniya.

"The essence of the film is still there definitely, but we have to cater to more audiences because the socio-political environment then or the times then is very different from now," ayon naman kay Domingo, na aminadong may bahagi sa pagsasagawa ng konsepto sa adaptasyon.

Ayon naman kay Layeta Bucoy, sumulat sa adaptasyon ng Bona, isa sa mga pananatalihin niyang eksena ay ang huling eksena ng pelikula kung saan tatapunan ni Bona ng kumukulong tubig si Gardo habang papaliguan niya ito.

"It's going to be there but it's not the last scene," aniya. "Mayroon pang mangyayari, may twist pa."

"It's a different kind of ending. May kaunting kasunod pa to emphasize this time or the contemporary time," dagdag niya.

 
 Catch BONA on its closing weekend!
SEPTEMBER 22, 2012 / Saturday / 3 PM   
at The PETA Theater Center 
(No.5 Eymard Drive, New Manila, QC)

Contact Us:
Robert Ceazar Marzan  (0922.888.5348)
Jayme del Rosario (0927.202.2017)
or Onay Sales (0917.908.0565)


No comments:

Post a Comment