Friday, August 17, 2012

Eugene Domingo takes centerstage in PETA's adaptation of Bona


by William Reyes
Original Article can be found HERE
 

Magkahalong comedy at nostalgia ang nangyari noong gabi ng August 14, sa ginanap na presscon ng dulang Bona, sa PETA Center sa E. Rodriguez Ave., Quezon City.

Ang Bona ang magiging 45th Season Opener ng Philippine Educational Theater Association (PETA) sa taong 2012. 
Sa dula, gaganap sa papel na Bona, ang dakilang fan, ang mahusay at popular na aktres at komedyanteng si Eugene Domingo.

Ito rin ang ginampanang papel ng respetadong dramatic actress na si Nora Aunor noong 1980, sa pelikulang Bona na idinirehe ng National Artist for Film Lino Brocka.

Sa pagganap ni Eugene sa stage adaptation ng Bona, binalikan nito ang moments ni Nora sa pelikulang Bona.  

Tulad ng climactic scene kung saan ibubuhos ni Bona (Nora) ang kumukulong tubig sa sinasamba nitong si Gardo (Phillip Salvador), isang movie bit player na sukdulan na ang pagkutya at pag-api sa kanya.

Sa dula, tagapagtaguyod at tagapagsilbi naman si Bona (Eugene) ni Gino Sanchez (Edgar Allan Guzman), ang wannabe star ng isang reality star search.
Ang direktor ng dula ng PETA ay si Soxy Topacio, ang artistic director ay si Maribel Legarda, at ang nag-adapt ng pelikula para sa stage ay si Layeta "Lali" Bucoy.

Antimano ay sinabihan sila ni Eugene na ibang klase ang Bona ni Nora.
“Nag-usap nga kami ni Direk Soxy, ni Maribel, ni Lalie, na sabi ko, ‘Kahit banlian ninyo ako ng kumukulong tubig, hindi ko kaya yung ginawa ni Nora Aunor!’

“At sinabi ko rin iyon kay Ate Guy! So tawa siya nang tawa.  Sabi niya, 
‘Susugurin kita diyan!’

“So, ang pinakagusto kong mangyari dito, pag napanood ni Ate Guy [ang play] ay maaliw siya. 

“Ready na po kaming aliwin siya.  Pagkatapos niya po tayong aliwin ng maraming mga taon, it’s time for her to be entertained.

“At gusto kong ipakita sa kanya na ang ginawa niya noon, hanggang ngayon, bilang classic, ay dapat pa ring mapanood.  Kaya namin siya in-adapt.

“So the essence of the film is still there, definitely!

“But we have to cater to more audiences because the socio-political environment then, or during those times, was very different from now.

“So, ito ay pagpupugay natin kay Lino Brocka, kay Cenen Ramones [orihinal na sumulat ng Bona], at kay Ms. Nora Aunor sa kanilang trabaho.

“Una, para sa TV drama anthology episode ng Lino Brocka Presents, na ginampanan ni Laurice Guillen noong '70s; pangalawa, para sa pelikula ni Nora.”

KISSING SCENE.  Well-attended ng local showbiz media, kabilang na ang PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), ang presscon ng Bona.
Sa presscon, ipinakita muna ng PETA ang ilang natatanging tagpo ng dula, tampok sina Eugene, Edgar Allan, Joey Paras at iba pang kasali sa cast.
Ang mahabang eksena ng away nina Edgar Allan at Joey, kung saan pumagitna si Eugene, ang naging tampok na teaser.

Natapos ito sa mainit na kissing scene nina Eugene at Edgar Allan, na umabot nang mahigit isang minuto.

Pagdating sa Q & A, siyempre pa, natanong kung ano ang naging pakiramdam nina Uge at Edgar sa ginawa nilang kissing scene.

Sabi ni Uge, ito raw ang una niyang naisip: “Ay, kissing scene pala ito, makapag-gargle nga!” 

Natatawang sagot naman ni Edgar Allan: “Ang sarap! Masarap talaga!”
Na kinontra naman ni Uge: “Paanong magiging masarap, e, menthol ‘yun—menthol!” 

“Masarap talaga!” diin uli ni Edgar, sabay nangulit. “And pinaghandaan ko pa talaga yung iba pa naming eksena ni Ate Uge, na may kissing scenes. Siguro mas grabe pa doon ang gagawin ko.”

Kontra uli ni Uge: “Isa lang naman... iyon na yun!”

Pagpipilit pa rin ni Edgar Allan: “Mas grabe pa.  Kasi ito, medyo ano pa, wala pang tuma-tumbling!”

Natawa rito si Uge: “Wala pa kaming set, e, kaya iba pa yung mismong mapapanood sa entablado...”

“Kaya hanggang labi muna...” singit ni Edgar Allan.

NORANIAN OR VILMANIAN?  May tanong din noong presscon na tila naglalagay kay Uge sa alanganin. Ang tanong ay kung siya ba ay Noranian.

“Oo naman!” sabi ni Uge. "Kaya masuwerte ako, kasi sa mga unang pelikula, o sine na ipinasok ako ng nanay ko, mga earlier films ni Ate Guy.

“Lollipops and Roses, yung mga pang-MMFF, like, yung Atsay... Superstar [TV show] kada Linggo."

Dagdag ni Uge, na palayaw ni Eugene: “To tell you, honestly, para sa akin, natatapos ang mga stars, superstars, kay Nora at kay Vilma.  Sila lang, para sa akin.”

So Vilmanian din si Eugene?  

Dito na pumasok ang bilis at talino ni Eugene sa pagsagot sa minsa'y maintrigang press: “Ah... Diyos ko, sino ba naman ang makakatanggi na hangaan ang dalawang yun?

“Sa pagkakataong ito, na Bona ang ginagampanan ko, e, di Noranian ako.  Okey lang?  

“Alangan naman...pag sinabi kong ‘Vilmanian ako!’ e ba’t ako nagbo-Bona?

“Kung Broken Marriage ito, sasabihin ko ‘Vilmanian ako!’ Ganoon lang.  Okey?”
Tawanan naman ang press.

OBSESSED FAN.  Ang Bona ay kuwento ng isang fan na na-obsess sa kanyang ini-idolong male starlet. Mayroon din bang obsession si Eugene sa buhay at paano niya ito nalampasan?

“Nung inilatag ni Layeta [Bucoy] ang aking baraha, tuluy-tuloy na coins ang nakita [sa baraha] niya!”

“Malamang, yun ang obsesyon ko sa buhay ngayon!" prangkang sagot ng komedyante. "Naka-focus talaga ako sa practical side of my life."

Alam naman sa industriya na kapag teatro, walang gaanong kita ang isang aktor, at kapag pelikula, may kitang malaki.

Pero sabi nga ni Eugene sa PETA: “But, thank you for giving me the opportunity to be a part of your 45th season."

At dahil kilalang-kilala na si Eugene ng publiko dala ng mga pelikula nitong blockbusters, sinabi ng stage/TV/film actress: “Ito na ang aking... ito ang isa sa mga pangarap ko sa buhay, ang maging bahagi ng isang palabas sa teatro.

“Kung saan, madali kong mahihikayat ang mga manonood ng telebisyon at pelikula na maranasan naman nila kung paanong manood ng mga nagtatanghal sa entablado."

Sabay sabi uli nito sa PETA: “Hopefully, sa 50th anniversary nila, ma-invite uli ako! Hindi ko kasi kaya nang taun-taon.”

EVERYDAY COMMITMENT.  Nagbahagi si Eugene ng demands ng theater sa isang performer.  

“Alam ninyo, talagang ang commitment sa theater... nagigising ako nang madaling araw, tapos, naiisip ko siya kaagad.

“Hindi katulad ng, kapag shooting, 'take! cut!'...Nakalimutan ko na yun.

“Tapos, puwede na akong magpamasahe, nakalimutan ko na lahat.

“Ito, araw-araw, committed ako.” 

Hindi muna nagti-taping o tumatanggap ng bagong assignments si Uge, maliban sa natapos niyang huling pelikula, ang I Do Bidoo Bidoo.

“Talagang grabe ito!  Inuubos talaga ang savings ko!” pakuwela ni Uge tungkol sa seryosong isyu ng low income ng mga nasa teatro.

“Wala akong kinikita, o!  Dalawang buwan na!"

Pero sabi nga ng magaling na aktres: “But, really, there’s no screen bigger than the theater!"

Sabay bagsak ng: “And there’s no talent fee bigger than... TV!” 

 
 Catch BONA on its closing weekend!
SEPTEMBER 22, 2012 / Saturday / 3 PM   
at The PETA Theater Center 
(No.5 Eymard Drive, New Manila, QC)

Contact Us:
Robert Ceazar Marzan  (0922.888.5348)
Jayme del Rosario (0927.202.2017)
or Onay Sales (0917.908.0565)



No comments:

Post a Comment