Original Article can be found HERE
Matapos sumalang sa live interview sa Showbiz Central nitong
Lunes, March 25, nagkaroon ng pagkakataon ang PEP.ph (Philippine
Entertainment Portal) na makausap si Eugene Domingo pagbalik niya sa
kanyang dressing room sa Studio 6 ng GMA Network.
Natawa si Uge (palayaw ni Eugene) sa unang tanong namin na nasa kanya na lahat ngayon—fame, awards, and money—ngunit tila lovelife na lang ang kulang?
Sagot ng award-winning actress: “Sabi ni Lord, huwag kong masyadong anuhin… i-pressure ang mga bagay-bagay kung hindi pa time!
“Overflowing na ang happiness. I-share mo na lang ‘yon.
“Kung meron pa Siyang ibang plano para sa akin, in His time.
“But it doesn’t mean that if I don’t have a lovelife, I’m loveless.
“I’m full of love!"
Full of blessings nga si Uge ngayon dahil bukod sa magandang takbo ng kanyang career ay sunud-sunod din ang mga parangal na natatanggap niya bilang isang mahusay ma aktres.
Kagagaling lang ni Uge mula sa Hong Kong para sa Asian Film Awards, kung saan nagwagi siyang People’s Choice Favorite Actress para sa Ang Babae Sa Septic Tank.
Noong Sabado naman, March 24, ay siya ang itinanghal na Best Actress-Musical or Comedy sa Golden Screen Awards para pa rin sa naturang pelikula.
“It’s very, very clear, blessing ni Lord ito," nangiting sabi ni Eugene.
“Biyaya ng Panginoon… regalo.
“Siguro it’s a way of saying na, ‘Ikaw, bilang nandiyan ka sa posisyon na ‘yan, you should inspire others to, you know, to dream, to strive harder.
“Kasi ipinapakita naman na kung magsusumikap ka, darating ang panahon, magha-harvest ka."
LEVEL UP. Ngayong sikat na sikat siya at kaliwa’t kanan ang natatanggap na pagkilala, naiisip ba niya na kailangang i-level up pa niya ang kanyang kalibre bilang isang dekalibreng actress-comedienne?
“Uhm… ako kasi, kung magplano ng mga projects ko, kung ano ‘yong possible, e.
“Right now, I am very happy with the projects I have for the year.
“I have Kimmy Dora sequel [Kimmy Dora and The Temple of Kiyeme].
“And I have a musical movie—the Apo Hiking Society musical movie, I Do Bidoo Bidoo.
“And then I will have a play for PETA.
“So, I’m just happy with those three beautiful projects.
“More than that, you know… it’s a surprise."
Mas magiging mapili na siya ngayon sa mga projects na tatanggapin niya?
“Meron akong aaminin sa inyo…" napabungisngis si Eugene.
“Medyo mapili talaga ako kasi gusto ko, excited ako.
“Kapag excited ako, excited din ‘yong mga manonood.
“Makikita nila iyon, e, at saka hindi ka mawawala ng gana.
“And unang-una talaga sa akin, ‘Masaya ba ang company? Nagawa ko na ba? Hindi ko pa ba nagagawa?’
“You know, you always challenge yourself. So that hindi masasayang ang pera ng audience kapag nanood sila. Alam nilang may makikita silang bago."
Mas mahal na ba ang talent fee niya ngayon?
“Mahal ang bilihin so sana sumabay din ang suweldo!" sabay tawa ni Uge.
BONA REMAKE. Ang tinutukoy na play ni Eugene ay ang stage version ng critically-acclaimed movie noon ni Lino Brocka na Bona, na pinagbidahan nina Nora Aunor at Phillip Salvador.
Pumirma na raw ang Superstar tanda ng pagpayag nito na gawing stage play ang nasabing pelikula niya noong 1980.
“No’ng Golden Screen Awards, pinarangalan ang Superstar para sa Lino Brocka Lifetime Achievement Award.
“I’m very honored to have the honor to honor Miss Nora Aunor!
“My goodness, I am so Aunored!" tawa niya.
Nagkausap na ba sila ni Ate Guy para sa pagsasa-entablado ng Bona?
Sabi ni Uge, “Alam mo, sa totoo lang, meron talaga kaming connection.
“I mean, magaan ang loob niya sa akin. Nagpapasalamat ako.
“Ako naman, talagang bow na bow naman ako talaga kay Miss Nora Aunor.
“Naramdaman ko naman na parang kampante siya na pirmahan niya na… nag-go signal.
“At ako naman, e, buong lakas kong aalagaan kung anuman ‘yong… kanyang itinatak sa Bona."
Ano ang preparations na ginagawa niya ngayon para rito? Pinanood ba niya ang pelikulang Bona?
“Napanood ko na ‘yon no’ng bata pa ako!" bulalas ni Uge.
“And… ‘yong gagawin ko naman, it’s a stage version.
“You don’t expect to see the same on film, okay?
“Iba ang dynamics sa theather.
“And also, ia-update natin ‘yan because ‘70s pa ‘yon, hindi ba?
“So ia-update natin iyan to 21st century. May fresh elements pa rin."
Seryosong atake ba o comedy?
“I hope not too serious.
“I hope it’s really modern," sabi ni Uge.
Sinong gaganap sa role ni Phillip Salvador bilang aktor na sinamba ng alalay na si Bona (character ni Nora sa pelikula)?
“Hindi ko alam kung meron akong authority na sabihin ‘yan.
“But I’m very sure, magugustuhan ninyo.
“He’s so hot! So handsome!" natatawang sabi ng aktres.
WORKING WITH OGIE. Isa pang pinag-uusapan ngayon ay ang pagtatambal nina Eugene at Ogie Alcasid sa pelikulang I Do Bidoo Bidoo.
“Ay naku, dyusko!" napahalakhak nang husto si Uge.
May nasabi ang misis ni Ogie na si Regine Velasquez sa isang interview na ang talagang “pagseselosan" daw niya ay ang pakikipagtambal ng mister sa isang Eugene Domingo.
Ano ang reaksiyon dito ni Uge?
“’Yan naman ang gusto ko kay Songbird, e! Marunong, e!
“E, alam mo na? Kung kilala mo ako, hindi ako papabuko!" natatawang biro niya.
Pero dagdg ni Uge, sa seryosong tono, “Ay, alam mo, si Ogie Alcasid, natural comedian.
“Ang ganda-ganda ng timing!
“Nadadamay ako sa husay niya, e, sa totoo lang, e.
“At saka siya talaga ang nagbigay ng confidence sa akin.
“Binigyan ko kasi siya ng DVD ng Ang Babae Sa Septic Tank. Sabi ko, ‘Panoorin mo nga.’
“Ay naku, pinanood naman nilang mag-asawa agad! Day-off nila.
“Nag-text kaagad sa akin si Ogie. Sabi niya, ‘Mahusay, maganda itong gawa mo, mananalo ka!’
“Sabi ko naman, ‘Ha, talaga?’
“Tapos sabi niya, ‘O, bakit, nagdududa ka?’
“Sabi ko, ‘Magagaling kasi ‘yong iba, e.’
“Tapos sabi niya, ‘Pero panahon mo ngayon, e.’
“So ang relationship namin ni Ogie at ni Songbird, para kaming mga naglalaro lang." -- Ruben Marasigan, PEP

Catch BONA on its closing weekend!
SEPTEMBER 22, 2012 / Saturday / 3 PM
SEPTEMBER 22, 2012 / Saturday / 3 PM
at The PETA Theater Center
(No.5 Eymard Drive, New Manila, QC)Contact Us:
Robert Ceazar Marzan (0922.888.5348)
Jayme del Rosario (0927.202.2017)
or Onay Sales (0918.536.2116)
No comments:
Post a Comment