Makalipas ang isang linggo ay balot pa rin ng kalungkutan ang
showbiz sanhi ng pagpanaw ng manunulat, aktor, at direktor na si Mario
O'Hara.
Kabilang sa mga nakiramay sa mga naiwang mahal sa buhay ni Direk Mario ang young actor na si Edgar Allan Guzman.
Nasa huling gabi ng memorial rites si Edgar Allan para kay Direk Mario sa St. Alphonsus Maria de Ligouri Parish, Magallanes Village.
Bagamat hindi siya nag-deliver ng eulogy sa memorial services, nais iparating ni Edgar Allan ang kanyang pasasalamat sa yumaong direktor.
Sa pamamagitan ng kanyang manager na si Noel Ferrer, naiparating sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang maikling mensahe ni Edgar:
"Malaki ang pasasalamat ko kay Direk Mario na naging direktor ko sa Sa Ngalan Ng Ina with Ate Guy [Nora Aunor].
"Dahil sa kanya, natutunan kong maging seryoso sa aking craft o sining bilang aktor. Para siyang teacher sa set.
"Malaki rin ang pasasalamat ko kay Direk Mario, kasi isa siya sa mga judges sa Cinemalaya [2011] nang manalo akong Best Actor."
Matatandaang nagwagi si Edgar para sa New Breed entry na Ligo Na U, Lapit Na Me, ng idinirek ni Erick Salud.
Nailahad din sa mensahe ang malaking panghihinayang ng young actor that Direk Mariodidn't live long enough para sa iba pa niyang mga susunod na proyekto sa pelikula, telebisyon, at teatro.
Ani Edgar, "Sayang. I was looking forward to working with him sa stage play sana naming Bakit Bughaw Ang Langit.
“Pero wala na siya. Nakakalungkot talaga.
"Isa siyang malaking kawalan sa industriya.
“Bukod kay Ate Guy, kay Direk Mario ko ide-dedicate ang aking performance sa Bona—kasama si Ate Uge [Eugene Domingo] na idol din si Direk."
Katulad ni Edgar Allan, naging bahagi rin si Eugene ng mini-seryeng Sa Ngalan Ng Ina bilang kapatid ng character ni Nora.
Ang stage adaptation ng Lino Brocka classic film na Bona ay pagbibidahan nina Eugene bilang Bona at Edgar Allan sa papel na dating ginampanan ni Phillip Salvador.
Ang Bona theater version ay ang season opener ng Philippine Educational Theater Association (PETA) sa Agosto 2012 para sa ika-45 taong anibersaryo nito.
Ang dulang Bona ay sa direksiyon ni Soxy Topacio sa panulat ni Layeta Bucoy, base sa orihinal na dulang akda ni Cenen Ramones.
OTHER PROJECTS. Ayon sa manager ni Edgar na si Noel, maliban sa dulang Bona ay may iba pang magiging kaabalahan ang Kapatid actor.
"Edgar will concentrate on doing Bona with PETA on August until September.
"He is also part of the new telefantasya on TV5 Primetime, titled Enchanted Garden, directed by Joel Lamangan and Eric Quizon.
"He is also one of the featured artists in YES! Magazine's 100 Most Beautiful Stars."
Ayon pa rin kay Noel, nakatakdang gumanap si Edgar Allan sa dalawang pelikulang kalahok sa gaganaping Metro Manila Film Festival sa Disyembre 2012 at isang project para sa Regal Entertainment.
Contact Us:
Robert Ceazar Marzan (0922.888.5348)
Jayme del Rosario (0927.202.2017)
or Onay Sales (0918.536.2116)

Catch BONA on its closing weekend!
SEPTEMBER 22, 2012 / Saturday / 3 PM
SEPTEMBER 22, 2012 / Saturday / 3 PM
at The PETA Theater Center
(No.5 Eymard Drive, New Manila, QC)Contact Us:
Robert Ceazar Marzan (0922.888.5348)
Jayme del Rosario (0927.202.2017)
or Onay Sales (0918.536.2116)
No comments:
Post a Comment