Thursday, July 5, 2012

Edgar Allan Guzman reconciles with family and manager; rehearses with Eugene Domingo for PETA's Bona


By Rose Garcia
Original Article can be found HERE 



Bukod sa pagiging mahusay sa pag-arte si Edgar Allan Guzman, isa pa rin sa masasabing talento ng Kapatid star ay ang pagkanta.

Hindi nga lang niya ito masyadong nagagawa at sa pag-arte talaga siya nalilinya.

Pero noong Huwebes ng gabi sa Music Box ay nagkaroon sila ng tila reunion show ni Iwa Moto.  Reunion, dahil dati silang magkasama sa GMA Artist Center at nagkaroon din ng short-lived romance.

Ayon kay Edgar, “Before kasi, may pinagsamahan naman kami ni Iwa. Pero, one month lang po kami.  After po siguro ng Star Struck days yun.  Pero, tinago lang naman namin. Hindi rin naging okay.”

Dugtong pa niya, “At saka, that time kasi, kaka-break lang din niya. Tapos ako, yung non-showbiz girlfriend ko, parang wala pa kaming closure na break na kami. Pero, naging magkaibigan naman kami.”

Bukod sa pag-arte, naka-focus din daw sila ng manager niyang si Noel Ferrer sa pagkanta niya.

“Doon din po kami naka-focus ni Sir Noel Ferrer, sa pagkanta po bukod sa pag-arte.”

Nang humingi siya ng tawad sa manager niya noong gabi na tinanggap niya ang kanyang tropeo sa nakaraang Golden Screen Awards for TV, masasabi niya bang okay na sila ngayon?

"Okay na po. Nakapag-meeting na po kami.  Okay na po,” nakangiti niyang sabi.

RECONCILES WITH FAMILY, MANAGER. Hindi naman ikinaila ni Edgar na ang naging ugat nga ng isyu sa pagitan nila ng manager niya noon ay ang pag-priority niya sa love life niya with Johlan Veluz, isang  Sexbomb dancer  kunsaan, umabot pa sila sa puntong nag-live-in na.

At kahit sa pamilya niya ay nagkaroon din ng isyu si Edgar.  Pero tulad ng sa manager niya, naayos na rin daw niya ang problema sa pamilya niya.

“Okay na rin po at doon na po ako ulit umuuwi, actually, matagal na rin po.”

Namiss daw niya ang pamilya niya.

“Parang na-realize ko na namiss ko ang mga ginagawa ko before.  Magpapaluto ako ng pagkain, kakain ako, manunood ng TV kasama sila. 

"Tapos, kapag uuwi ako ro’n, sasalubong sa akin ang mommy ko, pamangkin ko.

“Yun ang mga na-realize na namiss ko ‘to. At ang pamilya, hindi talaga puwedeng wala. 

"Kailangan talaga may gabay nila kasi, kung wala yung gabay nila, hindi magkakaroon ng direksiyon ang buhay mo.”

LOVE LIFE. Sila naman daw ni Johlan ay mas okay rin ngayon.  Nandoon pa rin daw ang relasyon nila pero, mas alam na nila ang priority nila ngayon.

"Mas naka-focus na po ako sa career.”

Hindi na sila live-in?

“Ay, wala na po talaga,” nakangiti niyang sabi.

“Siyempre, pinag-usapan po namin.  Nakita naman namin ang resulta, hindi maganda.  Hindi nakakatulong sa amin, so, nag-decide kami na siguro, ito ang mas better. 

"Mas okay naman po ngayon, parang bumalik din kami sa dati na mas okay.”
Mag-a-apat na taon na rin daw ang relasyon nila. Pero kung tutuusin, dumating na rin sila sa ilang unos ng relasyon. 

May mga taong hindi raw pabor sa kanilang relasyon. Pero bakit sila pa rin?
“Siguro po yung pinagsamahan namin. Kumbaga, noong time na wala akong work, nandoon siya para sa akin.

"Noong mga times naman na wala rin siyang work, may problema siya, nandoon din naman ako para sa kanya.”

Si Johlan ba ang tila hadlang sa pag-grow pa ng career niya?

Sabi naman ni Edgar, “Siguro yun lang yung isyu kasi, yun ang na-point-out ng mga tao, yung live-in kasi. 

"Feeling ko, doon nag-start yun. Kaya nasabi nila na siya yung nakakasira, siya yung nakakagulo sa akin.

"Feeling ko, doon lang.”

LIGO SEQUEL. Sa pelikula, hinihintay na lang daw ni Edgar na matapos ang script ng susunod sa pelikulang Ligo Na U, Lapit Na Me.

"Kaka-launch pa lang po ng libro, It’s Complicated ang title.  Actually, tinatapos na lang po ang script ng pelikula tapos, baka gawin na namin.”

Sila pa rin daw  ni Mercedes Cabral ang bida pero posible raw na may papasok pa na bagong cast.

Ayon pa kay Edgar, “Ang balak po kasi ni Sir Noel, may ano po kasi, may subtitle ang libro na 'Bakit hindi pa sakupin ng mga Alien ang 2012?'  Ngayong 2012 po talaga siya kung sakali gagawin po talaga.”

BONA. Pero kung may masasabi man na bagong gagawin ni Edgar ngayon, ito ay ang stage play sa PETA sa ilalim ni  Direk Soxy Topacio, ang Bona na dating pelikula ni Nora Aunor. Sila ni Eugene Domingo ang mapapanood sa stage play at ka-alternate naman niya si Paulo Avelino.

Pinanood daw niya ang pelikula.

“Opo naman, pinanood ko talaga kasi, kailangan kong pag-aralan ang role ni Mr. Phillip Salvador. Sa movie po, siya si Gardo, pero, sa play po yata, Gino na.

"Okay rin po si Paulo ang ka-alternate ko kasi, kilala ko na po siya sa GMA-7 pa lang.”

Nagkaroon na raw sila ng reading noong Martes at mga huling linggo raw ng June ang simula ng rehearsal nila.

Sila ng award-winning actress na si Eugene Domingo nga ang magkasama sa stage play.  Kumusta naman?

“Magka-text na nga po kami kagabi.  Sabi niya, 'See you soon.'  Sabi ko, 'Ha ha ha! Ikaw si Bona.'  Excited na akong magtrabaho ulit.”

May pressure ba siyang nararamdaman?

“Actually, dalawa po ang pressure ko.  Una, si Ate Uge ang makakasama ko.  Pangalawa, kumbaga, first theater ko ito sa PETA. 

"Nagti-teatro po ako before, pero, sa mga schools lang.  Special po talaga sa PETA. 

“So, yun ang dalawang pressure sa akin, si Ate Uge at sa PETA.”

Welcome sa kanya ang ideya na mag-teatro muna?

"Opo, okay po sa amin yun.  Tapos, pelikula po ito ni Ate Guy, gagawin naming theater. 

"Kumbaga, isang karangalan sa akin yun na mapansin nila at mapasama sa play na yun, tapos PETA pa.”


 
 Catch BONA on its closing weekend!
SEPTEMBER 22, 2012 / Saturday / 3 PM   
at The PETA Theater Center 
(No.5 Eymard Drive, New Manila, QC)

Contact Us:
Robert Ceazar Marzan  (0922.888.5348)
Jayme del Rosario (0927.202.2017)
or Onay Sales (0918.536.2116)

No comments:

Post a Comment