Eugene Domingo on being compared with Nora Aunor as Bona: "‘Wag n’yo na
po akong i-compare at wala akong kakuwenta-kuwentang ikumpara do’n."
by Rose Garcia
Original Article can be found HERE
Bukod sa Kimmy Dora and the Temple of Kiyeme, na ipapalabas sa June 13, tinatapos ngayon ni Eugene Domingo ang isa pang pelikula—ang I Do Bidoo Bidoo.
Pagkatapos ng dalawang pelikulang ito, sa teatro naman mapapanood ang aktres para sa theater version ng Bona, na ipoprodyus ng The Philippine Educational TheaterAssociation (PETA).
BACK TO THEATER. Ang Bona ay pelikula ni Nora Aunor noong 1980 katambal si Phillip Salvador sa ilalim ng direksiyon ni Lino Brocka.
“Yes, theater is my first love," ang sabi ni Uge, palayaw ni Eugene,
nang makausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa press
conference ng Kimmy Dora and The Temple of Kiyeme, sa ABS-CBN noong Lunes ng tanghali, May 28.
“And it’s so refreshing to do it again. Masarap palaging bumalik sa una mong pag-ibig, di ba?
“It is Bona Ng Makabagong Panahon. Sinabi ko po na huwag nilang tanggalin... well, it’s not really the exact Bona.
“The script is different. It’s going to be modernized because kahit saan generation naman, there’s Bona in all of us.
“And Bona is good and yung Bona naman sa film version, ina-idolize niya, nakatutok siya sa character ni Phillip Salvador.”
NEW STARS. Nakarating na rin sa PEP na ang makakasama ni Uge sa Bona ay mga bagong young male stars.
“Sinabi n'yo na… hindi ko kasi ma-reveal, baka sabihin, nangunguna ako nang nangunguna.
“But yes, it was with Paulo Avelino and Edgar Allan Guzman na
parehong mga seryoso sa kanilang mga craft, di ba? Nakakatuwa,” sabi ni
Uge.
COMPARISON. Si Nora Aunor ang gumanap na Bona sa film version. At hindi siyempre maiiwasang maikumpara si Eugene sa Superstar.
Ano ang masasabi niya rito?
“Naku, ‘wag n’yo na po akong i-compare at wala akong kakuwenta-kuwentang ikumpara do’n!" bulalas ni Uge.
“Kasi nakatrabaho ko na po si Ate Guy, hindi ka matatakot sa kanya
kasi ano siya, e... alam n’yo, mas mapagbiro pa siya kesa sa akin.
“At saka parang na-flatter ako na agad-agad, binigyan niya ng permiso."
Ang tinutukoy ni Uge ay ang pagpayag ni Nora na gawan ng theater version ang Bona.
Patuloy ng comedienne, "Sinigurado ko talaga na hindi natin siya kokopyahin.
“Kasi huwag na nating kopyahin, kasi tatak na tatak na yun.
"Mag-ano tayo, iba naman—imo-modernize.”
FAMILIARIZATION. Mula sa paggawa ng mga pelikula, ngayon lang ulit babalik si Eugene sa teatro.
Sa palagay ba niya, mangangapa siyang muli?
“Hindi ko alam kung mangangapa, but it’s going to be directed by Mother Soxie Topacio.
“It’s going to be fun and we have enough time to rehearse. Magri-rehearse na ako sa July,” sabi ni Uge.
So, pagkatapos ng Kimmy Dora and The Temple of Kiyeme, sa Bona na pala siya magiging busy?
“After ng Kimmy Dora, finishing na lang ako ng I Do Bidoo movie, sa Unitel.
“Then, for three to four months, nasa theater ako.”
Catch BONA on its closing weekend!
SEPTEMBER 22, 2012 / Saturday / 3 PM
SEPTEMBER 22, 2012 / Saturday / 3 PM
at The PETA Theater Center
(No.5 Eymard Drive, New Manila, QC)Contact Us:
Robert Ceazar Marzan (0922.888.5348)
Jayme del Rosario (0927.202.2017)
or Onay Sales (0918.536.2116)
No comments:
Post a Comment